Tinignan ko ulit kung tapos na yung maintenance nila sa send and receive feature ng app pero hindi pa din ayos as usual
Sobrang tagal na nyan kaya naisip ko na baka connected ito sa ban ng mga unregistered exchanges sa Pinas. Coinbase yata yung partner ni Maya eh hindi naman rehistrado dito yun, hindi kagaya ng GCrypto (PDAX) at ng Coinsph na legal talaga.
Ako rin ni check ko narin naman lagi kung anong status, pero ganun pa rin. Pero may ginamit akong isang Paymaya account na kakilala ko. May pinasok ako ng pera, sa unang linggo eh instant.
Pero yung sumunod eh nag antay ako at hindi agad pumasok kahit maraming ng confirmation. So parang ganun parin nung una talaga ang walang nagbago sa kanila. Hindi katulad ng coins.ph na minsan kahit 2 confirmations palang eh makikita no na sa wallet mo.
In short walang improvement parin hehehe.
- Sang-ayon ako sa sinabi mo na walang improvement nga itong Maya apps wallet. Tapos kahapon nagcheck ako na iopen yung account ko sa maya, tpos na nabwisit ako dahil hindi na naman ako makapaglog-in kahit pa na tama naman yung password, eh nung last month nagchange password ako dahil nagnotify yung maya sa email ko na palitan ko daw yung password at pinadala nila sa email ko yung password na temporary ko para makapaglogin ako then they suggest also na palitan ko din pagkalog in ko at yun nga ginawa ko.
Tapos ngayon, kahapon hindi ako makalog-in so ginawa ko click ko yung forgot password at nagpalit n naman ako para makapaglog-in, yung ganitong istilo nila nakakatakot magpasok ng crypto asset na malaking halaga, dahil any moment dinidisable nila yung account mo para hindi ka makapaglogin. Kaya narealized ko mas okay parin ang gcash kumpara sa maya.