May ginawa ka ba para makapag loan agad ng ganyan kalaki? kasi sakin ang sinasabi eh laging hindi pa daw ako pwede .
Wala actually, regular ko lang siyang ginagamit, for paying bills lang actually. Di bale ang flow ng pera, cash in then pay bills, this is about the account. About sa loan, nag try lang ako since subject for approval pa kase kaya 60:40 pa yung magiging status ng application mo. Kase nag try ako before, di na approved last year ata yun, last quarter. Then nakita kong pwede na ulit kase lumabas na yung button, then nag try lang ako tapus na approve.
Kahit ako di ko pa naitry yung ganyan kabayan simila't sa pol kasi natatakot akong mapalya yung bayarin haha lalo na at wala akong stable na trabaho. Gugustuhin ko man ay tiyak di din ako eligible dyan dahil di ko alam yung systema sa pag-avail ng ganyang loan. Tapos yung kailangan mabayaran ng one month sobrang hirap nyan para sa kalagayan ko. 😅
Issue nga yan pag walang stable income, mababaon ka sa utang kase mag papatong patong ang interest plus penalty pa, kaya goods decision din na iwasan mag utang kahit low interest na. Ang mabuti lang kase sa mga apps na ito ay may malalapitan ka if ever na needed mo nga ng pera. Yung goal ko kase is loan small amount first para once full payment na baka tumaas pa credit limit in the future.