2k lang ako dati sa simula, tapos 6 months to pay yata pinili ko, tapos ayun lumaki ng bigla kasi nga maaga ako nagbabayad, biglang naging 20k at dinagdagan pa ng 5k.
From 2k to 20k? Galing naman ang laki ka agad, baka malaki monthly income na linagay mo kase na matter din yan, pero mas na matter pag on time ka nag babayad. Pero ako til now, tataka pa rin ako bakit wala pa akong Gloan taas naman Gscore ko nasa 667 now. Haha
Baka siguro ang pinagbabatayan ng gcash ay kung magkano yung naipapasok mo na pera monthly sa wallet apps nila kabayan, kasi ako nagrerange sa 30k pataas yung pinapasok ko na fund sa kanilang apps at ease yun kabayan pinaka malaki na naipasok ko sa isang buwan ay nasa around 50k plus ata yun.
Basta hindi bumababa ng 25k sa pesos every month yung naipapasok ko na pondo sa kanila, in short, pwedeng yun ang pinagbatayan nila sa akin para bigyan din nila ako na malaking credit limit, pero hindi ko naman sinasagad sa halip yung kaya ko lang at yung hindi ako magigipit din sa huli, self-control parin talaga ang kailangan, ngayon, uunti-unti ko naring gagamitin ang paymaya .