Sure kabayan, andito ang screenshot. Buti hanggang ngayon ganun pa rin hindi nagbago para maipakita ko sa inyo na totoo ang sinasabi ko.

Hindi ko alam kung talagang random ba o baka may pinagbabasehan talaga sila. Kasi yung Gcash namin walang nakaconnect na bank account pero sa kapatid ko mayroon kaya lang yung Gscore ko ay napakataas na nasa 641, ibig sabihin lamang nito na hindi nakabase sa Gscore. Siguro ginagamit lang ang Gscore para maunlock yung mga ibang features ng Gcash.
Sana all, hahahaha,

anak ng patis ang taas pa ng gscore mo kabayan mataas kapa sa akin, "BIGYAN NG JACKET YAN" hehehe, hindi ko mapigilan tumawa... Baka pinaprank ka lang ni Gcash, hahaha... Pero seryoso, nakakapagtaka nga yan.
ako nga ang Gscore ko nasa 521 lang sa ngayon, pero ang CL ko sa gcash ay nasa 125k, tapos yung Gloan na binabayaran ko monthly ay nasa 3200 plus, idagdag mo pa yung Ggives ko, tapos nung isang araw lang mukhang naactivate pa yung loan ko sa CIMB hindi ako sure, hindi ko pa nasisilip, at yung limits withdrawal ko monthly sa gcash nasa 500k. Kinontak mo naba yung customer support nila kabayan?