Mukhang maintenance pa rin ang crypto ni Maya. Nakareceive ako ng 20 pesos sa kanila kagabi at naclaim ko naman na na dapat ipambibili ko ng crypto para dagdag sa portfolio ko sa platform niya pero pagcheck ko, "it's not you but us......" hanggang kailan kaya yang maintenance nila na yan.
Yes, pakaka remember ko lang, kakabalik lang niyan the other day alyhough wala par ring send/receive feature tapus maintenance ulit. Di ko na alam kung saan amg may issue sa api nila or sa mga developers nila. Lol
Akala ko pa naman magiging competitive sila pero hindi pala. Mukhang pare parehas silang mahilig mag maintenance, mas madami pa silang beses magmaintenance kumpara sa mismong operations nila. Pero sana may bunga naman yang pagmaintenance nila sa ngayon at maging maayos ang operations nila ulit. Kung malaki laki yung halaga ng portfolio ko sa kanila baka mainis ako, mabuti nalang at yung mga libreng 10-20 pesos voucher na naipon lang ang nilagay ko doon.
Sinilip ko yung maya apps ko ngayon at meron akong nakitang 20 pesos voucher, at nakita ko rin na under maintenance parin. At sinubukan ko rin na ipambili yung 20 pesos ko na galing sa voucher nila ng crypto tulad ng Shiba inu at ayun nagamit ko siyang pambili ng Shib, ganito nalang pala gagawin ko.
At least magkakaroon ako ng crypto asset dahil sa voucher nila, sana nga lang pag dumating yung time na tumaas value ni Shiba ay hindi maging problema yung pagconvert ng shib papunta sa peso natin pagdating ng tamang oras na mataas na value ng mga maiipon ko sa maya apps through their vouchers na binibigay nila.