Grabe na naman pala yung nangyari sa Gcash no? Ewan ko lang kung narinig nyo na pero may mga unauthorized withdrawal na namang nangyari,
GCash released a statement reassuring customers that their accounts remain secure following reports of unauthorized transactions impacting a number of users.
The company attributed the issue to errors in an ongoing system reconciliation process.
https://bitpinas.com/fintech/gcash-reconcillation-issue/
Kaya hirap din talagang magtiwala na mag iwan ng malaking pera sa mga 3rd party na to katulad ng Gcash at Paymaya. Sana walang nabiktima sa tin dito.
Bakit may problema rin ba sa paymaya ngayon?
May na balitaan akong isang trader dun na nakabili ng piso per USDT ata yun na almost 5m ang profit nya dahil piso nga lang isang usdt nun naka withdraw sya pero may limit na 50k kaya nag suspcious ang maya at na freeze ang account nya. Kaya sayang yung 5m hindi nya na ma withdraw ang ending ngayon sya pa ang may utang na babayaran kahit ang problema e sa glitch ng system ng maya.
Wala na tayong magagawa sa mga ganito tulad na rin yang sa gcash may mga ganyang nangyayari talaga pag nakikita na nilang umaakyat ang presyo ng Bitcoin tulad na lang ng nangyayari ngayon.
Nabasa ko nga yang article news na yan, parang nagkautang pa siya ng around 236k thousands, dahil naging 58 pesos each ng dolyar. Kung titignan mo parang nakakasama ng loob, isipin mo ginawa lang naman ng user yung sistema na meron sila sa platform nila at successfully confirmed pa nga yung naging transaction.
So, walang mali, kasalanan ba ng user na makita nya yung palitan ay 1$=1peso, kahit sino naman makakita nun bibili talaga, at right then and then iisipin ba nya nang-aabuso mismo yung bumili? siyempre iisipin nya opportunity ito, He/She will take chance to buy talaga. Ang nakakainis lang ang kapal ng mukha ng management ng Maya, pag sila may mali sasabihan nila yung users na ibalik yung fund dahil nagkaglitch sa system nila, tapos paghindi binalik kakasuhan nila, pero pag-user nila ang nagkaroon ng problema at kahit na yung maya ang may mali, pagdemand ng refund yung user dedma yung management, walang magawa yung user. Dapat dyan sa Maya magsarado nalang sila, tutal wala din namang kwenta yung services nila.