Hindi ko masyadong ginagawa yung Maya account ko, maliban nalang kung magkaroon ng free money na binibigay si Maya sa akin like 10 to 30 pesos tapos ibibili ko lang din ng crypto. May text mismo si Maya sa akin na meron na akong 500k limit at inincreasan nila ako. Wala namang link na indicated sa text message. Tanong ko lang kung merong nakareceive ng ganitong increase si Maya sa inyo dati at ngayon?
- Wala akong narereceive na ganyan sa maya wallet ko, pero sa gcash nasa 500k limits na ako nung last month pa, dahil nagnotify sila sa akin simula nung ginamit ko yung CIMB nila sa features ng gcash.
Pero ingats kapa rin mate kasi sabi mo nga hindi mo naman nagagamit sa pambayad sa bill pero biglang nagtaxt ng ganyang bagay na increased na sa 500k limits yung account mo sa maya.
Wala rin akong natanggap na ganyan boss, Diba yan naman talaga ang limit ng maya kahit nga duon sa gcash ganon din naman ang limit 500k e iincrease lang nila yan pag may malaki ka nang transaction chaka may extra documents silang itatanong para ma increase yung limit.
Mukang ang lalaki ng pera nyo o assets nyo sa crypto dahil nahihit nyo yung limit e ako hindi ko mahit yang limit ko kontento na ko sa ganyang limit.
- Actually nagulat nga ako pano ko nakuha yung limits na 500k sa gcash basta nagnotify nalang bigla sa akin after ilang araw na gumamit ako ng CIMB sa gcash. Wala namang 100k yung naipapasok ko na pera sa Gcash mate.
Siguro mataas na yung 60k na naipasok ko na pera sa gcash within a month, pero minsan lang ito nangyari sa akin. Though, hindi naman ako bumaba ng 40k monthly sa pagtransafer ko ng pera mula sa crypto earnings na ating ginagawa dito sa field na ito.