Hindi naman ako mahilig sa cell mining o airdrops pero na enganyo ako ng pamangkin ko na sumali dahil sa nabalitaan nya yung nangyari sa Notcoin na papasok na sa Binance.
Para pampalipas oras lang nag try ako sa ngayun meron ako tatlo nakaka engayo kasio pa tap tap pero nililitahan ko din kasi maaksaya sa baterya at ang gamit ko extra phone lang para safe.
Anop sa tingin nyo ang potensyal nitong tapping airdrop sa ngayun may 3 ako yung isa galing CEX.io mukhang legit naman galing kasi sa isang matandang exchange pero di ako umaasa dito parang tulad ng ito ng Pi, na curious lang ako at parang laro lang.
- Kung cell mining ang hanap mo op, yung verus mobile, mining apps yan na pwedeng madownload sa android, may setup nga lang na gagawin dyan para maoperate mo ng tama yung pagmamining ng verus. nakapag-ipon na ako nyan before at naitransafer ko sa exchange at naipalit ko sa crypto, kaya lang hindi ganun kalakihan din naman. Saka medyo hassle sa akin, hindi pwede yung lokal phone lang na pipityugin.
Kasi nag-iinit yung phone dahil nga tuloy-tuloy yung mining, yung ibang mga infleuncers madaming celphone binibili para makapagmine sila ng verus. Pero yang pataptap na sinasabi mo hindi ko pa nasubukan yan. Panuorin mo nalang sa youtube yung tutorial nitong verus. Ito hindi talaga bogus na katulad ng Pi.