Hindi naman ako mahilig sa cell mining o airdrops pero na enganyo ako ng pamangkin ko na sumali dahil sa nabalitaan nya yung nangyari sa Notcoin na papasok na sa Binance.
Para pampalipas oras lang nag try ako sa ngayun meron ako tatlo nakaka engayo kasio pa tap tap pero nililitahan ko din kasi maaksaya sa baterya at ang gamit ko extra phone lang para safe.
Anop sa tingin nyo ang potensyal nitong tapping airdrop sa ngayun may 3 ako yung isa galing CEX.io mukhang legit naman galing kasi sa isang matandang exchange pero di ako umaasa dito parang tulad ng ito ng Pi, na curious lang ako at parang laro lang.
involved din ako jan sa phone tapping mining na yan kaibigan pampalipas oras lang baka maka chamba ulit malapit na din kasi ma list at sabay yung airdrop niya. telegram lang naman gagamitin
Oo kagaya mo ganun lang din ang iniisip ko dahil baka matsamba nga tayo edi ayos diba? at least sumubok lang naman tayo at wala naman tayong nilalabas na pera, tap tap lang naman. Pero yung kaibigan ko baliw na baliw dyan, nasa 45milyon coins na ata sya, ewan ko kung pano nya ginawa yun.
Basta ang sinabi nya sa akin ay may teknik daw at google lang daw ang katapat, hindi ko naman magets yung sinasabi nya, sinubukan ko alamin sa google at ang nakita ko lang naman na options na binigay sa akin ay mga youtube video tungkol sa hamster na yan.