Basta madawit ang Pinoy ay magha-hype talaga tong Hamster Kombat hehe. May nakita ako video sa youtube kung saan kino-compute nya yong token na ma-receive ng isang user galing sa airdrop, eh hindi aabot sa 100 pesos. Kung tama yong computation nya ay hindi talaga ito karapat-dapat na paglalaanan ng ating mahahalagang oras dahil ang liit lang nito.
Paki share naman bro ng video para ma check natin kung tama yung computation nya at kun ganong tapping mining yan, itong mga taping mining ay parang one thing leads to another kasi may mga task sila na mag activate ka ng account sa isang tapping mining din makikita nyo ito sa mga task nyo kaya in the end mayroon na ako 5 klase ng tapping mining, pero of course ang hampster ang priority ko yung iba, baka sakali na lang.
- saklap naman kapag totoo man yang rumor na yan, at mukhang posible nga yang mangyari, isipin milyons of users ang laging nanunuod sa youtube nila tapos millions of views, eh sa bawat 1M views sa youtube ay rough estimation earnings dyan ay nagrerange ng 1000$, pero ipagpalagay na nating 500$ per 1m views x mo sa 100M views in a month edi parang nasa total nang nasa 200k$ monthly ang kinikita ng HK.
Kaya malamang bibitinin nila ang release ng token dahil dyan, ito ay sa aking palagay lang naman, at kung magkatotoo mang yang 100 pesos per participant sa airdrops naku po pagngyari yan, wala naring manunuod sa youtube nila, parang rug pull ang dating. Saka airdrops lang naman ang inaasahan nila dyan so hindi sila yayaman dyan obviously, pero iniisip ng milyons of followers nila ay papaldo sila, para sa akin napakalabo nun. kaya ako sa free time ko lang talaga hindi ko binubuhos oras ko dyan sa totoo lang.