Saka, hindi narin ako nagbibigay tuon ng pansin sa tapmining, airdrops lang yan bakit ako magaaksaya ng panahon dyan, alam naman natin na barya lang ang mga rewards sa ganyan at tsambahan lang yung makakakuha ka ng promising rewards.
Hindi naman aksaya ng panahon kabayan kapag namimili ka ng airdrop na papasukan mo at tsaka madali lang naman ang gagawin mo dito at sa kahit anong oras pwede. Alam natin na maraming mga di magandang airdrops noon at tsambahan talaga, pero sa nakikita ko kasi ngayon ay iba talaga sa dati, lalo natong tap mining. Alam rin natin na marami rin ang maliit lang kikitain pero iba kasi itong hamster kombat. Para sakin, ito ang susunod sa Notcoin.
- Sa sinabi mo na ito mate, maliwanag na hyped na hyped ka sa hamster kombat, hindi naman kita masisisi maaring mahabang panahon narin ang ginugol mo dyan, at maliwanag din na nageexpect ka ng high return dyan sa hamster kombat. Ikaw narin ang maysabi na ang airdrops noon ay tsambahan lang, ano ang conrete evidence mo para masabing ito ay susunod sa notcoin? ibig sabihin iniisip mo din na baka makatsamba ka, edi wala karing pinagkaiba sa ibang community na walang alam na lalim sa crypto space mate, ito ay tanung ko lang naman sayo dahil kung tutuusin advantage ka nga sa kanila kasi andito ka sa crypto space talaga.
Unang-una ang kaibahan ng notcoin sa hamster kombat ay napakalayo, dahil sa transparency palang bagsak na yung hamster kombat, unlike sa Notcoin hindi, kilala na yung mga developers at meron ng mga napatunayan then yung mga partner nila transparent din. Sa Hamster kombat wala namang ganun. Maniniwala pa ako na itong HK ay susunod talaga sa notcoin kung yung mga team o developers ay transparent, pero hindi nga at wala tayong idea kung sino sila? magpapakita lang kung kelan listing samantalang ang notcoin hindi naman ganun ang ginawa kaya naging successful. Hindi kita pinpersonal, I'm just critisizing the arguments sa sinasabi mo, in short sa issue lang tayo hindi sa tao.