Bigla kong naalala yung mga bounty circa 2016 - 2017 konti lang ang nasa signature campaign, ang laki ng allocation at pag pasok sa market ang taas ng price at hindi nga umaabot sa libo ang participants sa mga bounty, pero ngayun dito sa Hamster at iba pang tapping mining airdrop umaabot ng milyon impossible malaking portion ang makuha mo kahit ikaw pa ang nasa top.
Masasabi ko na talagang popular na ang Cryptocurrency at maraming naghahanap ng pagkakakitaan online, specifically sa Cryptocurrency by millions na ang labanan.
Isa ako sa mga malaki rin ang nakuha noong 2017 sa signature campaign, pero karamihan ng rewards ko galing sa translation campaign kung saan malaki dn ang allocation at kaunti lang din ang mag hahati hati.
Para sa Hamster Kombat, sabi sa isang article nila na umabot na sa 200 Million ang kanilang players. Hindi na ako magtataka kung nasa 25-40% niyan ay multi-accounts o baka mas madami pa. Para sa akin lang to pero mukhang hindi na worth it sumali sa mga tap-to-earn airdrop sa Telegram. Ang dali lang sumali. Panigurado meron din taung mga kababayan na nag multi-account din para makasali sa airdrop nila.
Siguro mas maganda kung gagawin ng Hamster Kombat na para maging eligible ka sa airdrop, need mo ng at least X amount of "Profit per hour" para mabawasan kahit papaano yung mga participants, pero kahit ganun, maliit pa rin ang makukuha. Parang sa Starknet airdrop lang. Ano sa tingin nyo?