Kaya itong tap games wala ng sense pang lumahok dyan, panay lang gawa ng content ng mga youtuber dyan kasi yan yung trend sa ngayon, yung isang kumpare ko nga sinabi nya sa akin nagkicrypto narin daw siya dahil sa hamster kombat, natawa lang ako sa kanya, naglaro lang ng tap games/mining sa crypto dito sa telegram ay may alam na raw agad siya sa crypto. naqu naman ang mindset talaga ng karamihan na walang alam akala nila alam na nila lahat agad sa crypto.
Hahaha, di mo sila masisi kabayan dahil napaka-lakas ng hype ng Hamster Kombat noong mga nakaraang buwan. Mabuti nalang at medyo hindi na siya gaano kasikat ngayon dahil wala ng nag pop-up sa wall ko about Hamster Kombat. Totoo yan, pinagkikitaan lang tayo ng mga founders ng larong yon at hindi tinupad yong pangako nila na ibigay yong airdrop sa tamang panahon.
- Hanggang ngayon ata hangga't meron parin silang masisipsip ay gagawin parin talaga ng main channel nito sa youtube, kahit nga yung mga content creator sa youtube apps ay ganun din ginagawa nila, panggagag* nalang din ang ginagawa, para makakuha lang din ng views, at ang dami paring mga obob na community nito, sorry sa term ahhh.
Pero tama karin naman medyo naglaylow na yung ingay ng hamster ngayon kumpara nung last month na talaga namang pinagpiyestahan ng husto ng mga influencers at nagatasan ng husto ng hamster kombat youtube channel nila ang milyon followers nila at ngayon for sure malaki din ang nawawala ng profit sa kanila.