Mukhang Dogs naman ang nagiging maingay ngayon sa mga tap games, parang ito naman yung pinapaingay nila sa mga iba't-ibang social media platform. hindi ko pa nasesearch ito pero aalamin ko ngayon.
Kaya lang diba kapag nalaman na ng madaming community edi mababawasan na yung rewards na dapat ay malaki ang matatanggap ng nga participants. Hindi ba parang mas mainam na huwag nalang ipag-ingay para malaki ang rewards na matatanggap? Tama naman diba?
Oo nga, yung dogs ang pinapaingay nila ngayon at mukhang sobrang bilis din ng pagdami ng users nila. Matatalo pa ata ni dogs yung mga ibang tap apps na madaming users agad pero hindi na ata nagpaplano tungkol sa listings nila kaya, mas madaming pera dadaloy kay dogs at madaming mga exchanges ang nagpakita ng suporta sa kanila pati na din si notcoin. Mali diskarte ng ibang mga tap projects na nakuha sana nila attention ng community.
- So, ang ibig sabihin ang kaibahan lang ng Dogs ay nakuha nya ang atensyon na suporta ng Notcoin parang ganun yung nakita ko na kaibahan nya sa ibang mga tap games na nagsilabasan recently.
Kasi kung yun ngang hamster kombat na naging maingay at sinabing susunod daw sa Notcoin pero wala naman tayong narinig na suportado ito ng Notcoin except na suportado ito ng dev ng telegram at normal lang na suportahan talaga ng dev. Ng telegram dahil gamit ang platform nila. Naku sa tingin mauuwi din ito sa katulad ng nangyari sa hamster sa aking oalagay lang naman.
Ang mali kasi kay hamster, nakuha niya na attention ng community at ilang araw lang umabot na ng 100M users tapos wala silang ginagawa. Kaya ang tao expected ay magkaroon ng airdrop kaso parang obsolete na din agad yang market na yan at buwenas lang din si notcoin dahil nauna siya. Kaya kung si dogs makalist na sa mga exchanges, mas madali lang na susunod na notcoin yan pero huwag na tayong umasa masyado sa mga TG tap apps.
Bukod sa sinabi mo na mali ng hamster kombat na nakuha na nga nila yung atensyon ng community na imagine ilang araw lang wala pang isang buwan ay 100M users agad nakuha nila ay hindi pa nila sineryoso, bagkus sa nakita ko talaga parang sila din mismo na team ng hamster ay nabigla at hindi nila inaasahan na dadagsain sila ng milyons of community ay ayun pakiramdam nila for life nilang mararamdaman yung ganun.
Kaya ayun nagpakalunod sila sa kinita nila sa youtube, lunod na lunod sa kasakiman nila, inuna nila ang kanilang mga sarili parang mga buwaya na na walang kabusugan. Kaya ayun temporary lang yung fame na natamasa nila, at tama karin naman na hindi talaga dapat umasa sa ganitong mga tap games para kumita ng malaking amount, tandaan lamang na airdrops lang ito.