Napansin ko yang X empire pero hindi ko pa yan pinasok. Base sa mga sinasabi nyo, para pala talaga sya investment kasi need pa maglagay ng ton. Parang maaalala ko ang Catizen dyan, sabi kasi nila na kapag malaki ginastos mo dun malaki rin kinita mo. Yung mga kakilala kong mga hunters kahit ang lalaki na ng mga level pero ang natanggap nila na token ay 2 Cati lamang. Sana hindi yan magiging kagaya ng Cati.
Sana naman wag namang mangyari ito sa Hamster o sa Rocky Rabbit kasi malaking kadismaya nito at malamang wala na ring magbayad kung meron pang isang platform na ganun din ang gagawin.
Nag upgrade ako sa Hamster at sa Rocky Rabbit para subok lang at malaman ko ang magiging allocation, kasi yung mga hindi mag sesend ng 0.5 Ton ay i buburn ang ang kanilang allocation kaya nag take risk na ako update ko once na mag distribute na ang dalawang platform na ito.
- Well, speaking of hamster kombat meron akong kakilala na nasa 8.9M daw yung coin profit per hour nya, ang nakuha lang daw nya sa airdrops hk ay nasa 480hmstr tapos ang price value ng hmstr sa bybit ay nasa 0.01$ something
https://www.bybit.com/trade/usdt/HMSTRUSDT, hindi raw tumupad sa anunsyong sinabi nila na yung matatanggap ng mga participants ay nakasang-ayon nga daw sa Profit per hr na kung ilang digits ay bawasan lang daw ng 3 zero.
So ang ineexpect nya na makukuha kung ganun yun inunsyo before ay sa 8.9M maliwanag na inaasahan nya na nasa 8900 hmstr yung papasok sa wallet na binigay nya, kaya lang napakalayo sa bawas na 3 zero sa profit per hr. ang natanggap nya, yan ang sinasabi ko, ang pagsisinungaling na sinimulan nila matatapos talaga sa kasinungalingan. Kaya kapag yang Rocky Rabbit, at x empire, blum at tomarket puro disppointment at frustration ang ibibigay nila, kahit kelan hinding-hindi na ako maniniwala sa mga airdrops, pokus nalang talaga ako sa trading at campaign bounties o signature.