Isang malaking apresasyon sa paggawa ng topic na ito kasi gumawa ka pa ng mga account sa iba't-ibang exhanges para lang malaman kung may P2P. Malaking tulong ito sa mga baguhan na gusto magwithdraw gamit ang P2P dahil makakapili sila ng mga exchange na pwede nilang puntahan. Ang paalala ko lang sa mga baguhan ay huwag palipat-lipat ng exchanges dahil hindi lahat napakasecure, mas mabuti na rin na magresearch at mangunsulta sa iba kung anong exchange ang maganda para sa P2P, para sa akin number 1 ang Binance, ang alternative ko dito ay Bybit. Tips ko na lang din, na piliin yung mga exchanges na maraming gumagamit o may malalaking volume trades kasi siguradong marami ding P2P merchant.