Pero note lang para sa mga nagpaplano mag-emergency funds kailangan pondohan nyo ay yung stable coin, gaya ng usdt, usdc at iba pa. Kasi hindi recommended na gamiting emergency funds yung mga investments natin sa mga alts dahil napakavolatile ng market, unless nalang talaga kung gagamitin natin dahil may kita na rin, paano nalang kung lugi pa tayo sa investments natin tapos mataas pa ang fee ng Bitcoin.
Exactly, aside from di ka lugi if ever mag fluctuate pa baba ang price eh hindi ka mapa-paranoid kaka isip ng kung anu-anu ng iyong emergency fund. Also aside from that, use cheaper fees ng stablecoins like TRC20 USDT at similar if ever na hindi USDT, kase yung ERC20 ang tass ng transfer fee, at lalo na withdrawal fees if gamit ang exchange.
Tama, piliin din dapat yung mga network na may mababa na fee trc20, bep20 at iba pa, except siguro sa erc20 kasi napakalaki ng fee nito lalo na kung i-keep natin ito sa ating personal wallet. Pero kung andun naman sa exchange yung emergency funds natin, gamitin nalang natin yung P2P kasi wala ng babayarang fee. Inirerekomenda ko ang Bybit at Binance, pero huwag muna ang Binance ngayon kasi nanatiling restricted ito sa ating Bansa.
Ganun na lang talaga, TRC20 USDT ako naka pegged para kung kailangan ko ng pera for emergency eh makuha ko agad agad. Although ang baba naman din ng fee ngayon, pwede ka na magkapag transact ng 3 sat/vB hanggang 2 sat/vB.
Although takot pako sa 2 sa ngayon, kanina nag 3 sat/vB at pagbalik ko eh naconfirmed naman agad agad.
Pero siyempre pag nasa USDT tayo eh immediate na yun pa pwede natin ilipat sa Peso agad.