Antayin lang natin kabayan. Hanggang next year naman ang palugit kapag sa cycle kaya chill chill lang din tayo. Kung sino ang pinakapasensyoso, siya ang magwawagi. Pero hindi naman din ako magbebenta ng lahat ng hold ko kapag umabot na sa $80k-$100k.
Siguro madami ka ng naaccumulate na bitcoin dude noh? Ako kasi hindi Bitcoin ang priority na iniipon ko itong bull run na ating kinakaharap, dahil sa nakikita ko x5 hanggang x7 lang ang nakikita ko na pwedeng iikoy ng ating capital.
Hindi naman sa madami, kumbaga nakapaghold lang. Kung mag x5 - x7 siya ngayong cycle ok lang din sa akin dahil mataas pa rin ang potential profit. Hindi ako magaling sa paghahanap ng mga altcoins na puwedeng 100x-1000x at mas conservative na investor ako at doon lang ako sa less risky.
Siempre gusto naman maranasan yung makakuha ako ng huge profit sa bull run na ito, ilang taon na ako dito at gusto ko naman yun maranasan at nakikita ko na posible ito mangyari kung sa mga top altcoins ako magpokus. Pero ganun pa man siempre sana lahat tayo maging happy sa mga hawak natin at makapagbigay ito nga magandang earnings sa ating lahat.
Yan ang wish nating lahat kabayan, mapa bitcoin, altcoin, memecoins o kung anoman ang focus ng portfolios natin, ang mahalaga diyan ay pumaldo tayong lahat at kumita ngayong bull run at mas magkaroon ng magandang buhay sa future.

Agree ako dito, kung meron man talagang big mover dito sa market eh tayo yun, mga average joe and retail investors. Although maliit lang naman ang puhunan natin, pero enough na to kung magsasama sama tayo.
Hindi katulad ng mga whales talaga, may balak yan pag mag iinvest ng malakihan, gagalaw nga ang market sa favor nila, tapos benta again for quick profit at tayong maliit ang maapektuhan pag ganun.
Ganyan na ganyan nga galawan ng mga whales, parang kukupit lang sa market. Samantalang tayong maliliit na investors, mas matagal tayong nags-stay at yung plano talaga natin for longer term.