Advantage din kasi sa mga big players may malalaki silang puhunan kaya nakakainvest sila anytime na gusto nila lalo na sa mga panahong mababa pa presyuhan ng mga crypto assets. Pero yeah totoo naman talaga na kahit barya-baryang profit lang ay masaya naman na tayo dun dahil kung tutuusin ay no choice parin tayo. 😁
Kaya yung style ng mga mayayaman ganoong style ang gayahin natin. Palakihin natin yung mga maliliit nating puhunan para makapaginvest tayo kahit saan at kahit anong oras man nating naisin. Kaya itong mga malalaki puhunan at mayayaman na, karamihan din sa kanila ay galing sa maliit na puhunan at paniguradong madaming mga talo din ang mga yan at natuto lang din sa experience nila.
Ganun na nga lang talaga yung gagawin natin sa totoo lang, at yun ang the best thing we can do for now at wala din naman akong nakikitang mali dun, gayahin natin yung style ng mga intsik na negosyante na kahit maliit lang tubo ay matiyaga nilang iniikot ulit nila ito sa kanilang source of business.
So, ganun din dapat ang gawin natin sa pagsasagawa natin ng trading activity na kahit maliit lang ay compounding method ang gawin natin hanggang sa hindi natin namamalayan ay lumalaki na ito ng paunti-unti at ganyan lang naman ang ginagawa ko sa bawat exchange na aking ginagamit para gawan ng trading.