Basta yung ganyang buwan talaga papuntang December wala pa akong nakitang history ng bull run na hindi pa uptrend yung nangyayari sa merkado. Baka itong ganitong mga pakiramdam ay ito na pala yung sensyales na dapat hindi natin sirain yung pagiging matiyaga, baka yung pakiramdam natin na mauubos na yung pagtitiyaga natin ay ito na pala yung pagkakataon na dapat mas lalo pa tayong magtiyaga at huwag bumitaw sa paghihintay.
Kung titignan ko nung time na natouch yung 66k$ something price value ng Bitcoin ay biglang nagdumped, para siyang naging fake break na inakala ng karamihan na magtutuloy-tuloy na yung pagtaas ng price, pero hindi alam nung iba na bumubuwelo lang bago talaga magtake-off ulit.
Kala ko nga din tuloy tuloy na yun pero okay lang, kailangan nating maging pasensyoso at maghintay dahil hindi pa naman tapos ang bull run. Kung tutuusin, mahaba haba itong bull run na ito sa tingin ko kaya kung sino ang matatag at hindi mag panic sell ang makikinabang sa bandang huli.
Gulat rin ako at out ako ng 2 days at hindi ako masyado nakikibalita sa presyo. Nagulat na lang ako na $61k pag open ko this morning. So hirap talaga silipin ang galawan ng presyo sa ngayon.
Masyadong volatile at walang kasiguraduhan ang October na maganda rin ang ibibigay na presyo sa tin. Kaya hold hold lang talaga.
Nung mga nagbenta palagay ko eh yung mga bumili ng nasa $50k'ish tayo at kumirot ng konting kita sa pag angat sa $66k.
Long malala lang talaga tayo pero mas okay pa rin naman itong price na ito kumpara naman sa nakaraan na mas mababa pa at below $50k. Ma-maintain lang itong $60k ay okay na ako.
- Pagbumaba pa kasi yan sa 57k$ that means nasa weak point tayo ngayon ni bitcoin, but in the meantime since na hindi pa naman siya bumababa ng 60k$ ay nananatili parin tayong bullish sa pagkakataon na ito.
Sayang nga eh, hindi ako nakapagset-up ng trailing stop, naka take profit lang ako ng 62k$ sa Short position, tapos waiting lang ako ng pagbreak-out ngayon papuntang uptrend, naghihintay lang ako ng confirmation ngayon kung kailangan ko nabang maglong -position kapag nag-green candle ito ng 10mm ngayong gabi papasok na ako sa long position to buy kasi para sa akin kumpirmasyon na yun na paangat na ulit si Bitcoin sa futures trade na ginagawa ko. ito insight ko lang naman hehehe.