Tama ka diyan kabayan, dadating ang oras na ang volatility ni Bitcoin ay bababa. Pero sa ngayon, hindi natin alam kung kailan yan mangyayari, puwedeng sa mga susunod na cycle pero hangga't maaari ay volatile lang talaga siya at ito ang magiging normal na attitude ni Bitcoin. Habang papalapit na tayo sa pagtatapos ng taon na ito, parang kaabang abang lang talaga kung kailan mahihit ni BTC ang presyong $100k. Oras at panahon nalang yan kaya pahabaan nalang ng pisi.
Dahil sa exchanges nagiging posible ito kasi dumadami ang holders ng Bitcoin. Dati kasi konti lang ang holders ng Bitcoin tapos may mga naghohold ng mga napakaraming Bitcoin which is napakataas ng risk. Isa din sa dahilan upang mapaposible ito ay dahil sa characteristic ng Bitcoin na tinatawag nilang scarcity. Sana nga basagin na yung resistance kabayan para maabot na yung $100k, hoping na mangyayari ito sa taong to.
Malapit lapit na yan, patapos na din naman itong taon na ito at papasok na tayo sa 2025. Kaya habang papatagal, pa scarce ng pa scarce ang Bitcoin. Kaya mas maganda mag hold hangga't maaari pero madami din sa atin ang nakaplano na ang magbenta kapag umabot ng $100k. Isa ako sa mga tao na magbebenta talaga panigurado pero magtitira pa rin ako kahit papano.
Good luck sayo kabayan sa holdings mo, sa part ko naman ay hindi ako nag-eexpect na malaki makukuha ko na profit sa bitcoin. Dahil sa ibang mga top altcoins ako nakapokus talaga, though meron din naman akong iniipon na bitcoin pero hanggang 0.1btc ang aim ko.
Saka alam naman natin na isa lang patutunguhan ng price ni bitcoin sa ngayon at yun ay ang pag-angat ng value nito sa merkado. Alam ko naman din kasi na once na mareach ni bitcoin ang 100k$ each nito ay paniguradong madami ding mga top altcoins ang for sure nagtaas din ang mga price nun kapag na reach nya yung 100k$.