Tama, doon din naman tayo papunta at normal lang itong mga corrections na ito. Kumbaga, may bala pa rin naman at pabwelo lang din kaya sa mga hindi pa nakabili bago bumalik sa ATH, may chance pa kaso nga lang mataas pa rin yang presyo na nasa $69k-$70k. Kaso nga lang kapag lumagpas na sa range na yan, doon nanaman manghihinayang yung mga hindi pa nakabili. Kaya hangga't maaari ay bumili lang kung afford naman.
- Oo, hindi na bago yang correction na yan, part na yan ng trading at hindi pwedeng wala nyan sa anumang trading industry, kahit sa stockmarket, forex at iba na may kauganayan sa ganitong sistema ay bahagi talaga yan.
Opportunity pa ngang maituturing yang correction para makakuha tayo ng chance na makabili o makakuha ng earning in the end. Kaya nga bilang investors, holders napakahalaga na meron tayong pang-unawa sa trading na ating pinapasukan lalo na dito sa crypto trading industry.
Basta kapag galing sa taas tapos bumaba, yun talaga magandang time para bumili. Mas okay kung madami kang pondong nakaready bago umangat pero kung wala, ok lang din naman. At huwag lang din mainip kapag may mga corrections dahil part talaga yan at hindi na mawawala yan. Hold lang ng kaya ihold dahil kahit enthusiasts at investors tayo ng bitcoin, may mga panahon na kailangan din talaga natin mag benta para sa mga needs natin.
- Simpleng -simple lang naman ang pagpipilian ng isang trader, long or short -term holder, kung ayaw mong maistress, lumagay kana lang sa long-term holdings, at buy lang hangga't merong pagkakataon na makabili ka yun lang naman.
Ngayon kung gusto mo naman makakuha ng profit every week sa trading ay dapat meron kang understanding talaga sa trading hindi pwedeng wala, in short, aralin natin yung trading para kahit pano makagawa tayo ng trading activity para makakuha ng earnings though merong risk ito, pero okay lang dahil dyan tayo matututo.