Kinikilig na ba ang lahat? mag-$92k na mga kabayan. Konti nalang mapapabenta na ata tayong lahat sa $100k o di kaya may mga nagbenta sa price na ito ni Bitcoin? Grabe ang galaw at ito yung mahirap dahil madami sa atin ang magiging greedy at maghihintay pa na tumaas ang price. Hindi pa naman yan pataas palagi pero kung ganito yung galawan niya, magandang mag take profit kahit pa DCA style para kahit papano may mapapakinabangan sa ganitong takbo ni BTC.
$93k na nga e yun lang walang naipon mukang pumaldo yung mga nakapag ipon ang mahirap lang kung mag papatuloy bato hanggang sa $100k ang hirap lang kasi ipredic ang mga galwan ngayun parang hindi pero mukang naipupush talaga ang presyo ngayun pataas at risky naman kung mag hikayat ng mga friends na mag invest ngayun unless kung bumagsak muna ulit to sa 60k at hikayatin silang bumili at mag hold hanggang next year.
Hirap talaga ipredict kung hanggang saan ngayong cycle. Pero pabor na ito sa lahat ng mga naghohold hanggang ngayon dahil hindi din naman basta basta yung emotional impact ng paghohold lalo na kung may mga pangangailangan tapos mapipilitan magbenta. Iwas nalang din muna sa mga kaibigan na nagtatanong kung okay ba bumili ngayon dahil baka ikaw pa ang masisi pag nagkataon na biglang bumaba.
- We are all predictors naman sa larangan ng crypto trading, karamihan nga lang sa atin hindi accurate yung prediction and that's because we had our own technical and fundamental analysis, at hindi rin pare-parehas ang execution ng strategy na ginagawa natin sa trading.
Saka sa mga nangyayari ngayon nasa extreme greed na tayo sa FEAR & GREED na kung saan ito yung measurement from extreme fear o extreme greed at naabot na nga nito ang highest level in 7 months na nasa 78 na nga ito. Indication ito na mataas na optimism and positive sentiments among investors. Mahalaga ang tools na ito para maunawaan natin ang investors psychology at nag-aagregate ito from a various sources including volatility, market volume and survey para para sukatin ang overall sentiments.

referrence:
https://alternative.me/crypto/fear-and-greed-index/In history kasi sa ganyang level na 78 o extreme greed ay nag-iindicate na yan ng pullback, sapagkat ang mga traders kasi na nakabili ng mura sa bitcoin ay nagsisipagbentahan na sila kapag alam nilang take profit na sila so ang nagyayari ay makakakita lang tayo ng sign for correction at hindi natin alam kung kelan mangyayari yung pullback.