Posible kabayan dahil sa napakalas na demand ngayon pero naniniwala talaga ako na may deep retracement na mangyayari kasi sa nakikita ay wala pa talaga kasi eh. Hindi natin dapat kalimutan na may mga manipulator ang market, ang ginagawa nila ay gumagawa sila ng mga hakbang na ikakalugi ng karamihan. Siyempre upang mangyari yun ay papaniwalain muna nila ang mga tao tapos ibagsak, gusto din kasi ng mga yan na makabili sa mas murang halaga.
Ito ang isa sa dapat nating bantayan na pwedeng mangyari, alalahanin natin may mga whales sa likod ng mga pumps na ito at kung hindi natin ito mababantayan baka bili tayo ng bili ang katapusan baka ma burn tayo at baka biglang mag dump ay mahuli naman tayo mag sell katulad ng nangyari noong 2017 - 2018 dami bumili hoping na tataas pa ang nangyari nahuli sila at napilitan sila na nagcut losses sila.
- Konting kembot nalang at 100 000$ ang price ni bitcoin kabayan, at ang nakikita ko talaga dyan once na mareach yung 100k$ dyan na magkakaroon ng paunti-unting pagbenta ng mga whale, at para hindi halata na merong malaking manipulation dyan ay palalagpasin pa nila ng 100k$ yan pwedeng 105k$ up to 110k$ para isipin ng karamihan na magtutuloy-tuloy na ang pag-angat ng price ni Bitcoin pero yung makita nilang mageexpect na yung mga majority believers ni bitcoin na magsisipagbilihan ay dun naman sila aatake ng massive sell ng kanilang mga bitcoin.
Ito yung assessment na aking nakikita at naoobserbahan lang talaga, isipin mo tuloy-tuloy yung pag-angat ibig sabihin meron talagang magaganap na massive selling at mangyayari yun once na mahit na nila yung main target nila yun lang yun.