Sabagay magkakaiba tayo ng kalagayan at ng tinagal ng paghohold natin. Nagoversell at may malaking correction ngayon at tama ang analysis ng mga mahuhusay nating traders dito at sa kabila na baka bumagsak. May nabasa ako na baka umabot pa ng $85k soon. Pero para sa akin naman as long as nasa $90k at above, panalong panalo pa rin pero kung psychologically na pang pakalma lang ng isip, $80k and above ay ayos na ayos pa rin.
Sa nangyayari ngayon sa market parang normal lang naman ang ibinagsak, at nirespect pa rin yun demand zone na nasa $90k. Kaya lang wala pa akong nakikitang big spike sa market ng mga buyers, kaya baka retracement lang ang nangyayari ngayon para magpatuloy sa pagbagsak ang presyo. Yan ang nakikitang another scenario na mangyayari sa market pero parang may i-aakyat pa naman talaga ang presyo bago matapos ang bull run, at sana umabot ng $150k, sa ngayon ang milestone ay ang $100k.
Meron na ulit, mag $97k na at sobrang bilis ng recovery naman ni BTC. Kapag ganito nangyayari, mas ok talaga na maging holder din pero mag take profit kapag medyo satisfied na sa presyo. Mukhang ito na ang magiging panibagong scenario para masira ang $100k at kapag umabot man ng $150k ngayong bull run, mas masaya kung ganyan na ganyan ang mangyayari kasi mas nagkakaroon tayo ng enthusiasm sa market ngayon at yung buyer's confidence babalik yan kapag ma hit ang $100k.
- Kung ayaw natin ng sakit ng ulo maghold nalang talaga lalo na kung alam naman natin sa ating mga sarili na hindi naman pa talaga tayo ka well verse sa trading long-term nalang talaga. Ito yung best way talaga sa paghold o long-term.
Kagaya nalang nangyari today nabasag na yung 100k$ so ano na, nagtake profit naba yung mga matagal ng naghohold ng bitcoin? Successfull naba kayo? kasi may mga iba kung magsalita na malapit nang mag 100k$ si bitcoin maganda nyan mahit na yung price na 100k$, yung bang tipong pag nagsasalita ng ganitong price eh parang successful na sila, ito obserbasyon ko lang naman,. baka mamaya nito yung nagsasabi maganda ang bitcoin wala ka namang iniipon na bitcoin pano mo nasabi na maganda?
Ako naniniwala naman na proven and tested talaga ang bitcoin sa long-term investment. Kaya lang sa ngayon hindi ko siya priority na ipunin, though paunti-unti ko lang siyang ginagawa, at itutuloy ko ito or hindi ko ititigil hanggang sa susunod na bull run ulit para at least kahit pano naman malaki na naipon ko nun na bitcoin ganun lang. So sa mga take profit na sa btc at naniwala at pinanghawakan ito ng ilang taon ay binabati at least hindi kayo bumitaw sa belief kay bitcoin, kaya deserve nio na marewardan ang sarili, congrats..