Kaya ako spot nalang din minsan pero mas maraming naka long term sa akin lalong lalo na BTC. Kaya yung mga magaling sumundot at kumuha ng funds saglit sa market, sanay na sanay na galawan talaga at alam na din paano kontrolin yung mga emotions nila. Mas maganda kung matutunan din yan noong mga aspiring na traders. At mukhang nagiging stabilized ang presyo sa $99k-$100k. Okay na makita na palaging ganyan parang ang sarap sa eyes pero ano sa tingin niyo baka magkaroon ulit ng massive dump bago dumating si Trump?
Kahit matagal ang kitaan sa spot compare futures atleast hindi madali maubos yung pera mo dito. Profit is profit at tsaka magiging malaki rin naman yan dahil marami ang pinag-investan mo, may mga altcoins na umakyat ng todo at dun ka kikita ng malaki. Currently ang presyo ng BTC ay nasa $96k, duda rin ako na baka magkaroon ng malaking retracement kasi hindi pa ito nangyayari, pero baka magconsolidate pa ang presyo ng matagal.
Antay lang din tayo, mas pabor kapag ganitong galaw ang nangyayari dahil baka may isang biglaang balita nanaman na lalabas lalong lalo na yung sa Bitcoin reserve. Tapos saka ibabalita ng media yan sabay pataas ulit. Pero kung sa long term lang naman, sigurado na tayo na lagpas $100k ang mangyayari dahil nakita na natin at walang dapat ikabahala yung mga naghohold lang dahil pabor na pabor ito at kung kaya bumili kapag may mga dips, mas okay.
Sa napapansin ko sa market, kapag nagkaroon ng matagal na consolidation sa price nagkakaroon ng news na makakaapekto sa market. Siguro ginagawa ito upang malaman ng traders kung ano ang magiging bias nila kasi kung nagcoconsilidate yung presyo ibig sabihin nito na indecision yung mga tao.
Sa long term, siguro naman $150k kaya lang hindi natin eksaktong malalaman kung kailan ito mangyayari, dahil kung hindi next year, posible sa next cycle na naman.
- Nope, I doubt na sa next cycle mangyayari yang 150k$, mangyayari yan next year mahigit pa nga eh. Saka kung ano ang habang ng consolidation ay yun din ang sukat ng haba ng itataas ni bitcoin for sure. hindi mo ba napansin, nung nagrally price ni bitcoin sa ATH na 104k$.
Pero yung consolidation nya ay nagsimula nung Nov 27 2024 up to December 4 2024. Therefore 1 week nagkaroon ng consolidation then Dec 5 nag-ATH ng 104k$ at nagretrace agad ng 92$ something. At hanggang ngayon nasa correction parin tayo. At sa tingin ko medyo mahaba-haba ito ulit hanggang next year.