Sa tingin ko naman madami sa ating mga kababayan dito ang gumagawa ng dca sa long-term, at para sa akin ay tama naman yun sapagkat ganyan din naman ang ginagawa ko kapag nagsasagawa ako ng dca sa isang cryptocurrency.
At malamang mas tataas pa ang bilang ng mga crypto community na magsasagawa ng dca either sa bitcoin man ito o sa ibang mga crypto assets, saka wala din naman akong nakikitang talo kahit pa sabihin na bumaba ang price nito sa merkado as long as na hindi naman binebenta ng palugi diba?
Tama. Yan ang hindi magets ng marami na wala namang talo kung long term dahil mababawi at mababawi yan basta huwag nga lang ibenta. Mas ok pa talaga kung magtiis at mag ipon lang ulit dahil paper loss lang naman yun.
Depende yan kung paano mo inaaply yung DCA kasi kung gagawin mo yan sa tuktok ng presyo na ng Bitcoin instead na mag karon ka ng profit pa negative ang profit kahit na ihold mo na matagal aabutin ka ng apat na taon sa new cycle mo ulit makikita ang bullish price.
So irerecommend ko lang ang DCA pag malapit nang mag block halving yan dapat ang saktong oras mag sagawa ng DCA kasi paakyat na presyo nyan chaka obvious na yan pag ang supply bumaba after block halving expected na ang presyo pataas tulad na lang nitong cycle na ito. Kung bumili ka ng Bitcoin last year at nag DCA ka nung mga unang buwan ng taong ito malamang malaki na ang profit mo ngayun at pwede ka na mag exit at mag intay ulit sa susunod na cycle at gawin ulit ang DCA sa tamang panahon.
Maganda yung punto mo kabayan at agree ako diyan. Kung ang typical way ay mag invest bago maghalving o during halving, mas okay talaga na gawin yun para mas sulit ang pag DCA. Ang kinagandahan naman kung bibili ngayon ay hindi mo na magagastos yung pera at parang nagsave ka lang din which is okay lang din naman kung long term ang goal at gusto mo lang din magparami ng BTC.
Best talaga during bear market mag invest at DCA, medyo matagal tagal pero long term dapat ang approach. At pag nagawa mo yan, sulit talaga ang profit mo lalo na ngayong umabot tayo ng $100k++.
Medyo bumaba pa nga tayo today sa $93k, but still mataas parin yan kung nag invest tayo nung panahon na <$50k palang ang price nito or kahit nung kasimula pa lang ng taon. So repeat lang natin ang process sa 2025, January ipon parin tayo.