sa nakikita ko naman din ay magkakaiba man tayo ng strategy na ginagamit pero iisa lang ang resulta ng analysis na ating nakikitang posibleng direction na patunguhan ng price ni bitcoin sa kasalukuyan at ito ay ang 92k$, ngayon sa aking nakikita naman din ay mukhang aangat siya sa pagitan ng 101k$ hanggang 102k$ sa pagitan ng dalawa price na aking nabanggit ay pwedeng dito mauntog yung price ni bitcoin bago siya bumaba ng 92k$ para sa another attempt fail of rejection sa value ni bitcoin.
So, sa ganitong narrative ang maganda lang sa ginagawa nating ito ay nagkakaroon tayo ng balancing sa analysis ng iba pang mga kababayan natin dito, in short, we are really aware sa movement ng price ni bitcoin wala na sa atin yung fear or panic mode kapag merong ganitong mga senaryo sa merkado.
Yang mga indicator nakakatulong naman sya pag determine ng trend yun nga lang hindi parin sya 100% dahil nga kasi bumabase lang tayo sa technical analysis marami din kasing nakakaipekto sa presyo ng BTC tulad na lang ng mga balita yung fundamental analysis combination ng mga ito pwede tumaas ang probability ng prediction natin. Sa ngayon yung prediction mo ay pwedeng mag bago dahil sa mga news at iba pang bagay kaya meron tayong mga sharp candle na kahit tama ang analysis in technical pwede parin mabago kung may mga balitang makaka ipekto sa presyo ng Bitcoin.
Sa ngayon ang area ng $92k ang support area na posibilidad na pwedeng bagsakan ng presyo at tumalon ulit pataas hindi rin ako 100% sure pero yang mga area na yan kung sa trading pa yan ang maganda price para bumili kasi may posibilidad na mauntog ang presyo jan ganon din pag umakyat ang presyo may posibilidad na dalawin nya ulit ang ATH o mapalit jan at babagsak na ulit ang price.
Kaya sakin talaga iba iba talaga tayo ng analysis pero pang short term parin ang analysis natin di gaya na lang sa mga long term analysis kung titignan mo nasa bullish position parin ang presyo kung titingin kayo sa daily chart.
At baka nga nasa correction phase palang tayo or retracement bago umakyat ulit ang presyo ng Bitcoin kaya mag intay na lang muna tayo pero mas magandang area parin bumili malapit sa $92k.