$104k ngayong madaling araw dito sa atin. Sana mali ako at tuloy tuloy na ito, kapag umabot ito sa $106k at mabreak na din ang $108k, baka ito na yung daan tuloy tuloy hanggang maging $120k. Konting antay nalang, ilang araw nalang sana magandang balita ang dala na pag take ni Trump sa office at kapag naging POTUS na siya. Halos lahat tayo sa crypto community umaasa na magiging maganda ang takbo ng market pag naupo na siya.
Mukang nag ka breakout sa respected area at ayun nag tuloy tuloy yung presyo dahil na rin siguro dalawang araw na lang si Trump uupo na.
Ano sa palagay nyo ma babreak kaya ang last ATH natin ngayon o hindi ma break kasi may strong selling pressure jan sa area na yan kapag pumalo na jan mas maganda mag bawas bawas ng konti para makatago ng profit kung sakaling mag fail basagin yung last ATH.
Kung titignan ngayon ang technical nanalysis sa tradingview about sa historical data laki na ng pinag kaiba sa galaw ng presyo ngayon ng Bitcoin di gaya dati na pabagsak na ang presyo ito ngayon masasabi natin na hindi na sapat ang historical data dahil iba na ngayon dami na nag enter sa crypto market.
At baka hindi na rin natin makita na bumaba ng husto ang bitcoin at baka mag stay na to sa mga around $100k or dito sa 80K-90k.
Kaya talaga kung sa trading lang dapat may strategy ka talaga kung sakaling ang prediction mo against sa current price action dapat may backup kang strategy. Napaka ipektive yung risk management kung aapply mo lang sa mga bias position.