Balik tayo sa presyo,
bumagsak sa $98k pala, heto yung huling nakita ko sa cmc kagabi, pero ngayon pag gising ko nag $101k naman na.
Hindi ko alam kung ano ang balita bat bumagsak pero katulad ng sinabi ko before, mukang ang $100k ang support line sa ngayon at ayaw ng mga bulls na bumaba pa to dito.
Balik sa $102k at ang bilis lang ng recovery. Ang laki ng naliquidate mapa long at short kahapon. Parang ang tinuturo nilang dahilan ay yung sa deepseek na galing sa china pati na din ang chinese new year. Ewan ko kung saan galing itong mga speculations na ito pero ang laki ng bagsak pero hangga't nakakarecover din at nasa bull run pa rin naman tayo, kailangan lang maging patient para tuloy tuloy lang din ang paghohold at accumulate.
Huwag kapa ring pakakampante, kasi sa nakikita ko babagsak ulit yung price nyan, kung ang pagbabatayan ko ay 4 hrs to 1 day timefram. Wala pa tayo sa pinaka-peak na correction na ngaganap ngayon sa totoo lang.
Kung nakakarecover man agad mula sa long at Short, ay pagpapakita lang yan na nagkakaroon ng manipulation talaga sa short-period of time pero pag once na hindi na nila makontrol yung market ay magdrop bigla yan na hindi inaasahan for sure in the end.
Hindi pa natin masabi kung magkakaroon na ba talaga ng malaking retracement ang presyo ng Bitcoin kasi wala pa tayong natatanggap na masamang balita na may impuwensya sa crypto. Napakalayo din kasi ng $70k na yan, at imposibleng babagsak ang presyo dyan ng iilang candle ng walang kasamang balita. Meron talaga yan kapag ganyan. Pero sa ngayon, dahil nagcoconsolidate ang presyo sa loob ng range, bullish pa rin tayo.
Although sa ngayon pula ang market hehehe, sideways parin ang mukang pero tingnan natin ulit kung kayang mag hold ang $100k as support level. Nung nakaraan bumigay pero naka recover naman tayo.
Hindi naman nakakabahala ang pagbagsak, at hindi rin ako nag check ng reasons kung bakit bleeding ang market.
Basta hold lang talaga muna at accumulate pa ng marami kung may pero sa ganitong dip.
Sa ngayon, normal lang naman ang galaw ng market pero sa lower time frame nagpapakita na din kasi bearish momentum. Kahit sa mga consolidation, kapag tumagal ito at wala pa ring balita kadalasan ay bumabagsak talaga ang presyo. So ngayon, maaaring babagsak ang presyo pero healthy naman ang price action. Hindi kasi katulad ng price action naimpluwensyahan ng balita ay drastic yung paggalaw ng presyo. Huwag din nating kalimutan na ang pagbagsak ng presyo ay oportunidad para magdagdag ng investment, kaya tingnan nalang natin ito in a positive way ang nangyayari sa market ngayon.
Parang bearish parin tayo sa ngayon, nahirapan na tayong tumungtong sa $100k. Although malakas parin ang support sa $90k, at hindi naman masyadong bumababa.
Kailangan lang siguro ng isang positive news para ma push ulit sa 6 digits kasi nga lately ang lumabas na galing sa US eh negative patungkol sa tariffs kaya ang laking epekto sa tin.
Pero katulad ng sinabi ko, solid pa naman ang support line natin kaya baka mag sideways muna tayo for this week.