Antay lang talaga pero sa mga afford naman at long term, nasa kanila naman at wala namang problema dun. Kung magastos pa nila ang pera nila sa ibang bagay, mababawasan ang purchasing power nila.
Tama nga naman, may mga tao talaga na nag-iinvest na parang wala lang sa kanila kung ano ang mangyayari dito dahil sa napakayaman nila. Pero siguro karamihan sa atin dito ay mahirap lang din katulad ko na hindi gustong malugi ang investment kaya sinisigurado na inaral ng mabuti ang chart bago mag-invest. Dahil kikita naman tayo sa crypto investment sa ilang taon na paghohold lalo na kapag Bitcoin, may dalawang istilo lang tayo na maaaring gawin. Una, yung hahayaan nalang na mag-invest sa kahit anong sitwasyon dahil kikita naman. Pangalawa, inanalyze ang chart at bumili sa discounted price para mas magiging malaki ang potential na kita. Pili lang tayo sa dalawa.
Ang tip ko lang, huwag nating sabihin na mahirap tayo, kasi baka mas lalo tayong maghirap. Ewan ko kabayan yan lang ang tinuro sa akin ng mga nakatatanda na kahit anoman ang sitwasyon sa buhay, huwag ilugmok at mas maging positibo. Pero totoo yan, sa mga mas mayaman naman at may kakayahan ay walang problema kung mamili lang sila. Kaya kahit hindi ianalyze yung market, pasok pa din sila sa long term plans.
- Therefore, patunay lang na there is power in our mouth, in which is para sa akin ay pinaniniwalaan ko rin naman. Like ako sa aking sarili, hindi ko ugali na magsabing wala akong pera, bagkus ang sinasabi ko madalas ay paparating palang yung pera o blessings ko.
Kasi siyempre the more na nagsasabi ka na wala kang pera ay paniguradong yan nga yung mangyayari sayo dahil ikaw mismo kineclaim mo na wala kang pera. Dahil wala naman masama na maging positive thinker, libre naman ang mamili, at ang pamimilian lang naman natin ay Positive and Negative thinker, edi dun kana sa Positive thinker at least makakapagbigay pa ito ng positive response sa atin pisikal emotion.