Tama yung analysis mo kabayan, biglang baba nga siya at hindi kinaya na overbought nga. Kung nasa futures tong trade mo, pasok na pasok at laki siguro ng kita mo kahit mag ilang dollars lang ilagay mo. Ang kinagandahan lang ay kita naman ito sa mga analysis tulad mo at kung nakapaghanda ay paniguradong maganda ang naging resulta ng paghahanda na yan para sa mga bibili pa.
Sabi ko na kung gaano rin kabilis ang pag akyat kahapon ganon din kabilis pagbagsak nya kanina.
Chaka kung papansinin mo wala medyong volume bumibili sa ganong presyo na kaya ang may control sa banda jan possible may declines yan at pabagsak ang presyo pero ngayon ang presyo parang bumalik lang kung ano presyo nung isang araw.
Sa ngayon wala pa tayong nakikitang pattern malamang mag stay muna yan sa mga around 84k at baka sa accummulation phase muna ito. Hanggang sa maka form ulit ng pattern yan. Yung mga trader na may alam na sa mga pattern at nag karon ng break jan mag eentry na yan.
Malaki talaga advantage pag araw araw kang nag lalaro ng graph naka tutok kasi ko sa monitor ko sa galaw ng presyo pag opportunity talaga sumusundot ako ng konti kaya nga parang kaya ko na mag intraday di gaya nuon na pinatalo ko. Ngayon profitable naman yung mga entry ko ngayon marami ng wins at satisfied ako sa 1:2.5 minsan 1:5 inadjust ko lang yung stop loss para mag take profit hanggang hindi ma hit yang SL ko part kasi yan ng risk management.