Grabe nangyayari sa mundo ngayon sa ginagawa ni Trump. Tingin ko kung wala yang mga tariff na pinapataw niya sa mga produktong papasok sa kanila, parang nakabawi na pabalik sa $90k si BTC. Pero parang sumasabay din sa galaw ng mundo si BTC kaya parang nahihirapan bumalik. Parang $86k na siya tapos ang buong akala ko babalik na pa $90k pero dahil sa paglabas ng panibagong tariff, boom, balik sa $81k pero sa ngayon ay nasa $83k na siya ulit.
Well sa tingin ko sinasamantala ito ni Trump, di ko lang alam yung main reason nya kung bakit nya ito ginagawa. Pero isang bagay lang yung napapansin ko, pansinin nyo tinetake-advantage nya yung trade of war, kasi kung sa literal na giyera mahina na ang bansang US. Honestly, naungusan na sila ng China dahil phisically malakas na ang hukbong sandatahan ng China ngayon wala ng sinabi ang US ngayon.
Parang yung mga nangyaring ito ay ginawa para makapagliquidate yung mga nasa stocks, ito ay parang sa obserbasyon ko lang naman, tapos sabado pa bukas na sarado ang stocks ngayon ang galing ng timing ah, kaya malamang sa lunes nyan alam na this.