Oo tama ka nung bumagsak siya ng 74k$ ay nagtake ako ng long position kahapon at yun kahit pano nakabawi sa talo ko nung nakaraang ilang araw na nagsagawa ako ng day trade sa futures. At tumubo pa kahit pano ng konti.
Sa 6$ na pinasok ko sa futures yesterday ay nagscalping ako kagabi at ayun sa loob ng less than 3 hrs naging 89$ so tumubo pa talaga ako, medyo matinding monitoring yung ginawa ko dyan dahil paiba-iba ng position yung ginawa ko dyan sa 5mins time frame. So yung analysis na ginagawa ko dyan bago ako magtake ng position ay tinignan ko yung chart sa 4hr, 1hr, timeframe then execute ko sa 5mins timeframe. Sana today or mamaya ay makasabay ulit ako, sa ngayon nakaka 5$ TP palang ako.
Kailangan talaga sumilip sa bigger picture bago sa mababang timeframe para estimate mo kung san talaga papunta ang presyo.
Ayus meron palang malulupit dito hindi ako nag iiscalping kasi hirap ako jan parang ang scalping kasi walang stop loss nag reready lang sila mag exit nahihirapan ako jan sa scalping kaya positioning ang ginagawa ko at mga divergence parang medyo may pag ka swing trading kung sa mga pattern naman minsan sa isang araw lang nag eexit nako pag nakuha na yung quota. Dati sinubukan ko yan scalping jan naubos capital ko kasi nag overtrade din ako at losing streak nang yari sakin jan. Wala pa ko masyado alam sa trading kahit na matagal na ko sa crypto kung sa short term trading lang mahirap unless kung for long term talaga dahil alam naman natin ang cycle ng block halving.
Sa ngayon ang nakikita ko mukang nag coconsolidation pa ata ang presyo ngayon mag lalaro lang sa 75k to 78k pero may posibilidad na umangat ito ulit sa 80k level kung walang pangit na balita na makaka apekto sa market.
Pag may maganda tayong balita makita baka umakyat ulit yan.