Mukhang ngayong gabi hanggang bukas ay posibleng umangat yung price ni bitcoin ng 98k$-99700$ tapos pwedeng magkaroon ng konting retracement kapag nahit naman nya yung 99k$, almost close na sa 100k$.
At kapag ganito na yung nangyari ay parang naghahanda na o kaway-kaway na sa pagrally ulit ng price ni bitcoin sa merkado, kaya ipon or buy hangga't merong oras pa dahil mahirap bumili kapag unaarangkada na yung price pataas.
Ang akala ko tuloy tuloy na siya hanggang $98k pero nagstop over lang sa $97k at okay na yan. Sa ngayon, $96k na siya. Ito yung break na hinihintay natin kasi masyadong naging mabagal ang galaw ng market. Sana ito na yun hanggang mag $100k na ulit pero baka madaming nakaready na selling position sa price na yun dahil matagal tagal din nating hinintay yun para makarating ulit sa price na yan.
Pwede ring nagkaroon lang ng paused kabayan dahil mayroong nagbebenta, pero hindi naman ganon kalakas yung mga sellers kaya pwede magpatuloy sa pag-akyat ang presyo at maabot ang $99k. Malaking tsansa na maabot ang $100k kapag nangyari yan pero expected na napakalakas ng selling pressure sa area na yan. Kaya pwedeng dyan pa mangyayari ang pullback, hindi ngayon.
Mas madami ata ang holders ngayon dahil ganitong panahon nags-start talaga yung sa cycle pero sana mas mataas pa ang mangyari kumpara sa last ATH na naganap. Tignan natin kung mas malakas ang mga sellers sa $100k o mas dadami lalo ang maghohold dahil nga nakita nila na kayang bumalik ni BTC sa ganyang price na ang akala ng marami ay hindi na babalik pa at bear market na pero mali silang lahat. Dahil lagi namang mabilis magrecover si BTC.
Parang sumang-ayon yung analysis ko sa analysis mo kabayan, sa mga area kasi na yan may malaking liquidity. Maaaring bumagsak ang presyo at magkaroon ng retracement papuntang $85k o magpapatuloy sa pag-akyat ang presyo. Kung gagawa ng panibagong ATH ang presyo ng Bitcoin maaaring maabot nito ang $150k. Wala na kasi visible resistance sa mga area na yan, walang kailangan basagin ang presyo kaya mas madali nalang nitong paakyatin presyo kumpara natin ngayon na maraming resistance ang kailangan basagin.
- Yes true, madaming resistance at support tayong nakikita, mapa uptrend, downtrend, at consolidations, kaya kapag nabasag na yung previous ATH dun naman magkakaalam kung ano yung panibagong form ng new higher high.
Tapos ngayon kung titignan natin yung price ni bitcoin ay maliwanag na ongoing ito sa 99000$ up to 100k$, basta kapag nagrally talaga madaling sumabay sa trading activity kumpara sa sideways na ang hirap basahin talaga sa totoo lang naman.