Basta may budget, bibili. Kasi long term naman ako at walang problema hangga't kaya kong bumili sa mga presyong tingin ko ay steal bago pa man tumaas ng tuluyan si BTC. Sa ngayon, maganda naman ang presyo niya at ideal yan sa mga gusto bumili. Posible pa rin naman yang bumaba kaya kung gusto mong mag DCA, okay din naman pero kung gusto mo isang biglaang bili, okay din. Ika nga, kung saan ka kumportable ay gawin mo basta ang mahalaga ay meron kang bitcoin kapag nag bull run na talaga siya pa $100k.