Pro China din ata si Trump o talagang anti war lang siya kaya iba ang goal niya noong naging potus siya. Kahit di ako botante ng US, mas gusto ko si Trump dahil parang lahat kinakaibigan niya di tulad ni Biden na pro war at lahat ng kaguluhan sa termino niya nagsabay sabay.
Hindi sya anti-communist kabayan ayaw nya lang talaga magpatayan ang kapwa tao. May isang salita si Trump kaya kinatatakutan ng ibang super powers at dinadaan nya sa usapan ang mga bagay² at tama yung sinabi ni kabayan TompPluz na pinoproject ni Trump yung kakayahan ng America at dinadaan sa diplomatic talks yung pamamaraan nya to pacify or de-escalate sa mga tensions sa kahit saang regions kaya walang sumasalubong sa kanya instead ay kinakaibigan sya ng lahat. Malaki din impluwensya ni Trump sa crypto lalo na sa Bitcoin kaya tiyak may magandang plano yan para sa mga investors.
- Mukhang tama ka nga sa sinasabi mo na ito mate, medyo may pagkadiplomatiko nga itong si Trump nung mga panahong siya ang naging presidente noon, yun din marahil ang nagustuhan ng mga botante marahil sa kanya dahil sa pagiging diplomatiko nyang leader ng bansang US.
Sana sa pagkakataon na ito ay masungkit ulit ni Trump na makaupo bilang presidente ng bansang US, para naman kahit papaano din at mapagtuunan din ng kahit konting pansin ang cryptocurrency at Bitcoin na ating ginagawlawan ngayon.
Ayaw kasi ngayon ng mga US citizens ang leader na warfreak. Instead na ilaan ang pera nila sa mga gyera para sa fund at support ng mga bansang papasok sa giyera, mas gusto ng mga tao na unahin muna ang internal problem nila. Parang dito lang din sa atin, madami tayong mga internal problems na kinakaharap kaya mas magandang tutukan muna yung mga problema na iyon bago yung mga nasa labas natin.
- Nakakatakot naman din kasi na warfreak yung leader ng bansa nio, siempre yung mamamayan na nasasakupan ay hindi mawawala yung pakiramdam na hindi matakot talaga, angkan na nang pamily mo kasi ang pinag-uusapan dyan, Talagang opposite sila ni Biden sa totoo lang.
Kaya totoo yung mga balita noon na si Du30 at Trump ay parehas ng ugali kaya naman si Trump parang gusto din ang ugali ni former president du30. Tapos may napanuod pa akong balita na parang merong nagpaputok habang nagsasalita si Trump at hindi ko alam kung totoong barin ba yung naririnig ko din sa isang campaign na kanilang ginagawa.