In the first place walang duda na na good news nga itong masasabi, dahil ito ang kauna-unahang ahensya ng gobyerno natin ang tumanggap ng payment gamit ang isa sa crypto stablecoins na kinikilala na nila ang cryptocurrency sa bansa natin talaga, so magandang step talaga ito. At mukhang sa nakita ko din naman ay maaring mahabang panahon ding nagkaroon ng feasibility tungkol sa bagay na ito.
Kaya lang may nakikita parin akong pros and cons dito, Sa pros siempre makakapagbigay ito ng kahit papaano ng curiosity sa ilang mga sss members natin na partikular sa mga volunteer na maaring subukan nilang alamin kung pano magamit ang Tether o usdt, so yung adoption ay magkakaroon ng increase percentage, hindi lang natin alam kung mabilis o mabagal. Ang cons naman na nakikita ko ay sana naman ay maging maayos at secured naman ang pangontra ng sss agency natin kung sakaling magkaroon ng cyber attack sa system ng SSS. Tapos yung isa pang nakikita ko na cons nya din ay yung privacy ng mga wallet address natin na gagamitin sa usdt ay pwedeng isa itong paraan ng gobyerno natin para matukoy nila kung sino sa crypto community ang talagang kumikita ng huge profit sa cryptocurrency o sa Bitcoin. So, yung anonymity ay parang mawawala.