Sino ba namang matagal ng nagkicrypto ang pipiliin ang Coinsph kesa sa Binance, di ba wala? Business talaga yan, pero napakalakas pala ng kapit ng CEO ng Coinsp no.
Wala talagang pipili sa Coinsph kaysa Binance kung fully allowed at legal lang tong nakaka-operate sa Pilipinas. Di ko tuloy maisip bakit naiwan sa kangkungan ang Coinsph kahit pa nauna ito dito sa ating bansa. Noon ang sikat ng Coinsph hanggang may mga ginawa sila na di kaayaaya at syempre mataas din ang kanilang fees at mas mababa ang kanilang exchange rates at wala pang P2P...kaya nga nag-boom ang Binance dito at nainsulto ang Coinsph kaya tumulong sila para ma-ban ang Binance dito. Pero nag transfer ba talaga ang mga crypto users sa kanila? I doubt it...dahil open pa naman ang ibang malalaking exchanges para sa mga Pinoy tulad ng Kucoin, Bybit, Bitget at kahit BingX. Well, kahit nga sa Binance nakapasok pa rin naman ako kaya lang takot ako kasi di natin alam ang utak ng nasa gobyerno. Kahit ano pa man gawin ng Coinsph, kahit sino pa ang celebrity endorsers nila at gumasto ng millions sa ads hanggang di nila nakikita bakit sila tinalikuran ng mga dati nilang members, di rin sila magtatagumpay.
Tama, hanggat hindi nila babaguhin kung ano ang dapat baguhin wala ring mangyayari. Naaalala ko rin dati na niliitan nila ang transaction limit ko ng wala notice, naging 25k lang monthly. Dahil hindi ko makapaglabas ng pera noon ng more than that, umalis ako sa kanila, hindi na ako nagreklamo at naghanap nalang ako ng ibang options maliban dyan. Tapos nung nasa Binance P2P na ako, nag-email sakin ang Coinsph na nag-increase na daw yung limit ko. Hindi ko talaga inopen yung coinsph ko nun ng ilang months, pero bigla nalang nag-email sakin ng ganun, akala nila na babalik pa ako sa kanila.