Base sa nabasa ko sa
Cryptonews, magkakaroon ng CBDC ang Pilipinas sa taong 2029, limang taon pa pagkatapos ng 2024. Ang malaking kaibahan sa CBDC dito sa atin ay ginawa itong "wholesale CBDC (wCBDC). This means it is intended for licensed banks and intermediaries in wholesale transactions, rather than being available for retail use, to create a system where the CBDC complements cash." At "it would operate on a private payment and bank-owned settlement system, rather than on a public blockchain."
Malayo pa ang 2029 at sigurado ako na marami pang mga pagbabago ang mangyayari sa ating sariling CBDC at bago nila ito ipalabas ay sisiguraduhin nila na plantsado ang lahat para walang aberyang mangyayari.
Ngayon, sang-ayon ka ba sa ganitong klaseng CBDC ang makikita natin sa ating bansa o sa tingin mo eh meron pang mas maganda sa ganitong set-up? O sa tingin mo eh di naman talaga natin kailangan ng isang CBDC sa bansa?