Oo nga kabayan, napansin ko nga din yan. Wala ng nagtetext sa akin na spam at yang mga POGO na yan hindi talaga POGO kundi scam hub na ang target ay tayong mga pinoy at baka pati mga taga ibang bansa ay target din nila. Mabuti nga nawala na yang mga yan pero kung ako sa gobyerno, may mga lehitimo naman talaga tapos yun lang ang aprubahan nila dahil may kaukulang mga permits at dapat may random inspection sila para makita kung pogo operations ba talaga sila o baka patuloy lang na scam hub.