Kahit alam natin na nasa memecoin ang pera hindi pa rin natin maitatanggi na mataas ang risk nito. Kaya kung gusto nating sumubok pumasok sa memecoin kailangan natin i-consider ang risk nito. Kung mag-iinvest man tayo ay dapat hindi kalakihan at tanggapin sa sarili na baguhan ka palang, marami pang dapat matutunan. Kung ayaw naman nila dahil natatakot sila na maubos yung pera ay huwag nalang ipilit dahil marami malaga ang nasunugan ng pera dyan.
May risk talaga siya at masyadong mataas. Yung naging paniniwala kasi ng marami na kahit maliit na halaga, puwede na nilang italpak sa memecoins. Ito na nga yung panibagong talpak, hindi na sabong haha.
Kaya sana nga lumipad yan dahil madami din namang mga memecoins sa TON pero patok talaga ngayon ang nasa sol.
Yeah, super bullish ang Ton kabayan obserbasyon ko lang yan hangga't walang mangyayaring negative sa Telegram at sa team aakyat talaga yan at kung pagbabasehan naman natin yung Altcoin index nasa 36% na yata at kapag naipush pa yan more than 50% alams na yan hindi lang Ton ang aangat though nasa pinakamababa yung Ton when it comes to top 100 performer for the last 3 months may chance parin yan and I considered Ton as undervalued sa ngayon kaya mas maigi talaga na bumili at maghold habang nasa $5 range palang ang presyo dahil alam naman natin na may time talaga na may biglaang pagtaas ng presyo sa crypto at ayaw nating mamiss ito sa totoo lang.
Undervalued nga siya sa $5 at basta mga projects na may real world at use case, hindi sila nahuhuli sa market at mas dumadami din ang nasa community nila. Marami akong nababasa sa narrative daw ng may use case ay posibleng mabalewala dahil sa mga memecoins pero sabagay sa batang influencer ko lang nakita yun at bago bago lang din sa market kaya madami din ang namimislead dahil diyan.
So, ang tono na ng pananalita mo ngayon ay gusto mo na ang meme coins dude
Alam mo kahit may mga nagsasabi dyan na shitcoins ang meme coin ay meron at meron talaga dyan na may potential talaga, basta marunong kang kumilatis ng tamang meme coins.
Huwag kang magaccumulate ng meme coins dahil lang nakita mo sa iba na meron sila nun o napanuod mo sa youtube o nahyped ka lang, dapat ikaw mismo nakitaan mo talaga ito ng potential, hindi yung nakikigaya lang tayo na " ay potential ito sabi ni juan de la cruz" huwag dapat ikaw talaga makadiskubre at masatisfy.
Hindi naman sa ganon parang nakikita ko lang din na may pera sa kanila pero tamad lang din ako maghanap hanap at kung mag invest man ako sa memecoins, hindi sa mga bagong bago na ang kalalabasan ay rugpull lang din. Mas okay pa siguro na magstick nalang ako sa doge tapos ilong term ko nalang. Agree ako sayo na huwag bumili ng memecoins dahil nakita lang sa iba at nahype lang dahil sa mga influencers na pumaldo. Kumbaga sa mga ganyan, first come first serve, o first come first profit tapos yung mga naimpluwensiyahan nila sila naman ang maiipit sa gitna.