Isa din ako sa nagparticipate sa Tomarket, pero parang marami ang hindi pumaldo dito at isa na ako dyan. Hindi lang ako ang nagparticipate nyan sa amin, pati na rin mga kakilala ko. Yung iba gumastos pa nga kaya may nakaabot ng lagpas 100k Toma. Kaya lang pagkakita sa pre-market ng Toma napakaliit lang ng presyohan at yung total supply nito ay napakalaki kaya dyan palang ay mukhang mahihirapan na tayong pumaldo lalo na yung below 20k Toma lang yung nakuha.
Ang layo talaga nito sa notcoin at dogs hindi ko alam kung worth it pa ba iclaim yung harvest ko daily sa farming pool mag coclose na daw sa december 18 yung withdrawal ng toma sa bitget ang mag oopen naman ngayun yung lite version ng bitget na ang net ay aptos hindi ko alam kung ano meron dun sa lite version ng bitget pero ibang wallet ata yun kasi wala yung balance ko dun sa mismong bitget wallet.
Malamang ang ending nito sa lite version ko maiwiwithdraw to hindi direct sa bitget wallet ko kasi nasa farming pool pa may 4 days pa bago mag close yung pool nun sayang naman kung dun maiwiwithdraw sa aptos malamang may fee yun tapus hindi pa worth it iconvert yung toma.
Malayo talaga dude, wala pa talagang nakatulad sa notcoin at Dogs sa totoo lang, kahit yung blum dati taas ng expectation ko dyan pero this time hindi narin ako umaasa na makakakuha ako ng maayos-ayos na profit sa pa airdrops nila.
Sa tingin ko wala ng makakagaya sa ginawa ng notcoin at Dogs, talagang natapos na yung hyped sa mga airdrops dito sa telegram, tapos na ang pambubudol ng mga pa airdrops now sa mga tge projects sa mga pagkakataon na ito.