Kaya yung mga nagpopost sa social media na malakihan ang kita di ako basta-basta naniniwala not unless may makikita tayong live funded trading account. Yung iba kasi paper trading lang magaling pero pagdating sa live trading natataranta na sa next move pero meron din namang mga magaling talaga pero kokonti lang yan sila.
Yung pinapakita nila yung %+ gain ng trades na pwede namang maliit na halaga lang, sabay benta ng course. Ang daming ganyan ang style kaya madami ring kababayan natin ang nagogoyo ng mga yan. Sa totoo lang, sa course sila kumikita at kung malakas talaga silang kumita, ipagpatuloy nalang nila yan ng wala ng tinda tinda ng courses nila. Sasabihin nila, gusto lang nila tumulong which is di totoo.
- Ang problema kasi sa iba ay basic na basic lang yung benta course nila tapos ang mahal pa ng singil nila, kaya sila nababansagan na mga fake guru eh.
Ang sarap ngang paghahampasin nang kawala ang mga Fake guru na yan.
Tapos kapag dumating yung pagkakataon na kumita man sila ng ng malaki o nakatiming sila palalabasin naman nila sa kanilang clickbait na 400kpesos daw kinikita nila sa trading ng mga siraulo, kung totoo yung sinasabi nila bakit isang buwan lang yung pinakita nila, yung style nila na ganito na saksakan ng kahambugan edi sana pinakita na nila lahat ng buwan na lumipas pero isang buwan lang yung pinakita nila na latest pa, so very obvious na media hyped lang talaga yung ginagawa nila. Lalo na yang sina @crypto4chun, Marvin Favis, titovlogs, at coach miranda miners lol.. hay naqu bakit ba may mga ganitong uri ng tao sa earth.