Yun nga, wala naman pala talagang pinaalis kund binago lang ang term sa IGL. Sabihin nating may mga pinaalis at binan na mga pogo, yun yung mga naraid nila na mga scam hubs na magandang nangyari. Pero sa lagay ngayon, na marami ulit tayong mga narereceive na mga scam texts, mukhang nagbalik ulit yung mga scam hubs na mga yun na nagtatago lang sa operations ng POGO IGL.
Eventually maeexpose din sila na ito ay talagang mga POGO na nagtatago sa ibang mga pangalan kung gagawin nila yung mga ginawa ng mga pinasarang POGO tulad ng human trafficking, torture at tax evasion, pero sa tingin ko ay mag iingat na ng husto ang mga IGL na wag sila ma expose kasi isa lang ang mahuli sa kanilang gawain damay damay na ang lahat.
Choice pa rin ng mga scammers at POGO operators ang Pilipinas kasi madali ma corrupt ang mga officials at may manpower dito, nag thrive ang mga POGO operators sa mga third world country tulad ng Pilipinas.
Yan lang, kilala ang bansa natin na may kurakot na gobyerno at madaling bayaran. Kaya patuloy lang din sila sa panibagong IGL na pinangalan lang ng yung term at nandiyan pa rin ang mga aktibidad na galing sa mga POGO. May mga legit naman tayo nag eemploy pa ng mga pilipino kaya nakakatulong din sa mga kababayan natin pero marami sa kanila sindikato na nagtatago lang sa IGL/POGO tapos pati mga kababayan natin ang nabibiktima nila.
- Mas lalo pa ngang naging kilala ngayon dahil sa sobrang garapal na nakawan sa kaban na pondo ng bayan natin ang ninanakaw ng mga corrupt officials na buwaya. Meron kasi akong napanuod, isa rin sa mga authority ng ating gobyerno sinabi nya ginamit ni tambi yung kapangyarihan nya bilang speaker at power ni BBm na iraid yung mga pogo para masolo nila ang kanilang mga pogo.
Ibig sabihin, niraid yung mga competitors nila na merong mga pogos para yung kanilang pogo ang mamayagpag, kaya pala yung napabalita before na pogo sa Cavite hindi naman kasing laki yun ng niraid ng mga CIDG pero nung ininterview sa balita sabi ng CIDG o PDEA hindi raw sila basta-basta makakapag raid ng wala daw silang permit mula sa pogo dun sa cavite, samantalang yung sa Bamban Tarlac wala naman silang hinintay na permit kundi niraid nila agad ng walang paalam. Therefore, totoong nagsinungaling lang talaga yung presidente natin ngayon na ban na ang Pogo para lang maging bida at magaling siya pero ang totoo ay hindi naman talaga.