Nag distribute na angX Empire at tulad ng inaasahan hindi pwedeng maikumpara ang value sa Dogs may mga naka receive ng mataas at meron namang naka receive ng sobrang baba, marami talaga silang requirement sa accoun tmo tulad ng participation, referrals at upgrades, kaya yung price ay lumalabas na hindi commensurate sa effort mo sa ilang buwang mong pagiging active dito.
Isa na namang airdrop na waste of time and effort.
Totoo yan, yung kaibigan ko mag-asawa sila nag X empire pero isang account lang ang nagkaroon ng airdrops. Ang iniisip niya tuloy ay depende sa referral dahil yung isang account nila ay may mga referral pero doon sa asawa niya walang referral kahit isa. Sayang lang daw ang effort at umasa pa naman daw sila na malaki ang kikitain nila, parang $10-$12 lang ata ang calculation na lumabas sa distribution na meron sila.
- Hindi ko lang din alam, ako kasi nasa 21k lang yung X coin ko walang referral sa phase 1 at sa phase 2 hindi na ako nagparticipate kasi naisip ko na baka madismaya lang ako, at mukhang ganun nga nangyari ulit ngayon.
Kaya marahil hihinto na akong makilahok sa mga airdrops na biglang gagawa ng ingay katulad ng hamster kombat, xempire,, baka nga yung Blum maging katulad din ng hamster na tulad narin ng mga overhyped at ng tomarket din, hindi na ako nageexpect sa mga yan, nakakadismaya talaga, nasasayang lang yung time and effort na binibigay natin.