Lahat naman ng mga nagpapa-airdrops ay nanggagatas lang naman talaga sa mga crypto community. Nagkakaiba lang sa kung pano nila ito ineexecute sa kanilang mga participants. Dahil may iba lantaran yung panggagatas at yung iba naman ay hindi ganun ka lantad.
Kagaya nalang nung sa hamster kombat, lantaran na pangagatas at panloloko ginawa sa mga participants nila, at yung iba naman gumagaya sa lantad na panloloko sa mga crypto community at harapan pa na nanghihingi ng pera ng walang kahirap-hirap dahil pinapalabas nila na isang requirements kapalit ng eligibility.
Ginagatasan talaga ng ibang mga projects ang kanilang community sa pamamagitan ng airdrop. Yung iba lantaran nilang ginawa pero yung iba hindi masyadong halata. Pero yeah tama ka naman, yung sa Notcoin legit naman talagang project yun at successful pero hindi ko alam panggagatas ba ang tawag dun pero sigurado tinitake advantage naman nila ang ibang bagay na hindi alam ng karamihan. Imposibleng gagawin nila ang isang bagay na wala man lang kapalit.
Pagdating sa kapalit, may kapalit nga talaga yung pagbibigay nila ng libreng tokens sa inyo at yun ay ang panonood ng mga videos nila sa YouTube para kumita sila through ad revenue.
Habang ang mga participants ng airdrop ay makakakuha ng 5$ more or less, sila ay makakakuha ng ~1$ per 1000 views (more or less). Imagine natin, ilan ang ad revenue nila sa mga videos nila na umaabot ng milyon views, at yung makukuha nila is USD habang ung mga nanood ng video? Makakakuha ng token na walang value.

Halatang ginagatasan na ung mga participants at ung mga iba naman ay handang magpagatas para sa libreng pera. Mejo nakakatawa pero yun ang katotohanan.
Yung Hamster Kombat, wala na yun. Simula nang nagkaroon sila ng internal problems bago pa man ang airdrop, naapektuhan na yung trust ng mga investors sa kanila. Tignan nyo na lang yung 1 month chart ng HMSTR. Parang bundok na pababa.
