Ako depende siguro sa mangyayari, pero hindi ganung ka pokus sa pag grind yung gagawin ko mahirap umasa eh alam muna masakit hehehe... Basta tuloy lang tayo sa buhay, magtanim lang ng magtanim at sa huli for sure aani parin tayo sa huli.
Sana naman this time ay huwag naman tayo makaramdam ulit ng frustration sa ating makakaharap sa hinaharap, alam ko naman na tayo ay naghahanda lang naman para sa mga mahal natin sa buhay sa ikagaganda ng kanilang future.
Yan naman talaga ang dahilan bakit nagsisipag tayong lahat, para sa mga mahal natin sa buhay. Para maenjoy din natin kung anoman ang meron tayo sa ngayon. Magsipag, magtanim at darating din yan na magbubunga. May mga pumaldo at sobrang saya na makita na sila na nagbunga yung pinaghirapan nila. May mga pumaldog at nadidismaya dahil hindi sulit ang effort na binigay nila, pero yun nga, tuloy at laban lang.
Isa na ako dyan sa pumaldog kabayan kaya distansya na muna sa airdrops nakakastress kasi sayang oras at effort tapos cents lang nakukuha. Pero syempre nakamasid din ako dito regarding sa mga balita at updates baka sakaling makapag-jump-in ulit soon sa mga posibleng maging successful at profitable na airdrops.
Huwag ka ng dumistansya kabayan. Kung may marami ka ng oras para makapagparticipate ng airdrops ipagpatuloy mo nalang yan. Kasi ganito yan, kailan ba tayo magpaparticipate ng airdrop kapag may mga pumaldo na naman? Kasi ganito yan, base lang to sa obserbasyon ko, kapag naging successful yung isang project tiyak na maraming mga tao na magpaparticipate sa isang project kapareho nyan. Halimbawa, yung Solana projects, may isang project dun na under Solana network nakapagpatrigger para magparticipate mga tao sa mga Solana projects. Kung naalala nyo yung sa Notcoin, ito ang nakapagpatrigger para sumali mga Telegram app. At ngayon naman yung Grass, tiyak na maraming mga tao na magpaparticipate sa kaparehong project nyan.
Sabayan lang natin kung anong trend kabayan para hindi mapag-iwanan. 
- Ang problema yung mga sinasabayan na mga trend ay wala narin namang kwenta, karamihan ganyan ang nakikita ko. Halimbawa yung sa success na nangyari sa Notcoin, diba madaming mga nagsipag gayahan na katulad ng istilo ng Not, at sa dami ng mga gumaya na yun madaming nakisakayat sumabay sa trend, after ilang buwan ang sumunod lang sa Notcoin na nagsuccess ay yung bukod tanging Dogs lang.
After ng Dogs naman madaming nagsipaggayahan ulit na vector din ang design ng logo ng mga gumaya sa Dogs, hanggang ngayon wala naman akong nakita na nagtagumpay katulad ng Dogs o nalista sa mga top exchange sa field ng crypto space, meron ba? In short, mas madami talaga ang nasasayang na oras at effort na gagawin natin.