Masasayangan naman kabayan pero labanan lang din ng mindset. Kasi yung panghihinayang nandiyan talaga yan pero kasi kung hindi para sa atin, hindi para sa atin. Ang dami ko na ding missed opportunities at kapag inisa isa ko yun malulugmok lang ako sa lungkot sa sobrang sayang nila. Kaya masaya nalang din ako kapag may mga kababayan tayong pumapaldo at shineshare nila, hindi ko tinetake as bragging yun kung hindi masaya lang talaga sila.
Ang importante naman kasi dyan ay sinubukan mo, at yung opinyon mo ay nakabase naman din kasi sa karanasan mo. So wala na tayong magagawa dyan kung yan mindset mo. Ang labanan kasi dito is kung paano tayo magkakaprofit sa crypto, hindi naman lahat ng way ng pagkakakitaan dito ay kikita tayo, meron sa kanila na hindi tayo kikita at meron din naman na kikita tayo, kaya dun nalang tayo focus sa kung saan tayo kikita. At naaappreciate ko din yung mindset mo na magiging masaya ka kung papaldo yung mga kababayan natin. Huwag nating isipin na kakompentensya ang iba kundi gawin nating inspirasyon yung success nila, isang way rin ito upang maging successful tayo.
Tama kabayan, depende din sa experience yan at hindi ko naman din dinidiscourage yung iba. Dahil madami din akong nakikitang masisipag na pumapaldo, meron namang chill lang pero ang point pa rin dito, kapag wala kang ginawa ay wala ka ding aanihin. Basta wish natin sa lahat at bawat isa ay pumaldo mapa airdrops man yan, campaign, liquidity providing, holding at iba pang pagkakakitaan sa crypto.
Therefore, Kung ano tinanim ay siyang aanihin din, so tama yung sinabi mo at bagay na sinasang-ayunan ko. Kahit na minsan may ibang nagbibigay ng criticism huwag sana itong itake na personal, sa halip gawin itong challenge to stand kung anuman yung arguments o diskusyun na pinag-uusapan.
Totoo din naman na hindi sa lahat ng opportunity na meron dito sa crypto space ay makakuha tayong lahat ng profit, Basta kung ano yung passion na ating nararamdaman at alam natin sa ating sarili na makakakuha tayo ng profit ay dun tayo magpokus since na yung aim natin namang lahat ay maka-obtain ng profit.