At sa tingin ko nga dahil karamihan sa mga community dito sa crypto ay ayaw na nga sa TG airdrops ay mukhang nagsilipatan naman sila ngayon ulit sa mga NODE na usapin, at yung iba nga tulad ng sinabi mo ay mga under Depin naman in which sa palagay ko ay magandang opportunity din naman talaga.
Mas madali itong mga Depin kasi time online lang ang need pwede mo nga iwan ang PC mo nakabukas di katulad sa tap to earn need mo pa magkaroon ng maraming recruit at ma complete yung task at yung tap to earn halos oras oras mo titingnan.
Kaya isa nga ako sa mga lumipat kasi hindi na rin talaga worth it yang mga tap to earn sayang ang pagod at oras sobrang liit ng makukuha.
Sana lang itong Depin ay di matulad sa mga tap to earn na ito.
Indeed, sang-ayon ako sa sinasabi mo na ito dude, kahit ako mga under depin ngayon ang hinahunting ko dahil mas meron pa ngang potential ito sa totoo lang, walang task na dapat gawin araw-araw kumpara sa tap mining app games.
Kaya kung may makita ka dude share mo lang yung link sa inbox ko, lahat ng ishare mo welcome sa akin, at kapag may nakita din ako ay ishare ko din sayo dude.